Anak Sinampal ng Tsinelas ang Kanyang Ina


Nagtungo si ginang Maria Magdalena Austria 62 anyos kay idol Raffy Tulfo,upang ireklamo ang pang aabuso na ginawa ng kanyang dalawang anak na babae. Higit sa lahat ang bunso niyang anak na naging matigas ang puso kahit nakikiusap na ng maayos ang ina nito para magkaayos na sila. Kaya naman inulan ito ng pangbabatikos.

Sinabi lahat ng nanay ang puno't dulo kay idol Raffy ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan nilang mag ina. Nabigla si idol Raffy ng malaman ang rason ng alitan dahil sa napakababaw lamang nito.

Meron si nanay na pamangkin na napangasawa ay Briton, nasabi ng Briton na gusto niyang dumalaw kay nanay bago umalis kaya natanong ng pamangkin kung ano ang gustong pagkain nito. Ayon naman sa Briton ay "shushi" ang gusto. Dahil sa proud si nanay sa kanyang HRM na anak inutusan niya ito na ipag gawa ng sushi ang parating na bisita, ngunit nagalit naman ito at sinabihan ang nanay na prisinta ng prisinta. Dito nagsimula ang alitan hanggang sa dumami ng dumami ang nasasabi ng mga anak.

Nasabi din ni nanay na tinanggalin din si siya ng internet, kaya natanong ni nanay kung bakit wala siyang internet, ngunit sinagot naman ito ng anak ng masama ang dating, kaya naman bilang magulang ay nasampal niya ito, ngunit agad naman bumawi ang anak at sinampal ang kanyang ina ng "tsinelas".

Ayaw naman umalis ng mga anak sa bahay at patuloy na hindi nirerespeto ang kanilang ina.
Ayon kay nanay umaasta ang magkapatid na tila sila ang may ari ng bahay, ayaw nila ibahagi ang internet sa nanay at pati pagbubukas ng ref ay pinagbawalan ang ina.

Full video







Facebook source

Post a Comment

0 Comments