Isa na namang kababayan natin na Pinay ang muling nakatanggap ng papuri mula sa international scene dahil sa kanyang talentong pagkanta sa sikat na talent show sa Asya, ang Asia’s Got Talent. Si Eleana Gabunada, 10 taong gulang ay pinahanga ang mga judges sa kanyang pagkanta, si David Foster ay lubos na humanga at kanyang binigyan ang Pinay ng “Golden Buzzer”.
Ang Asia’s Got Talent ay isang pangunahing talent show sa Asya. Marami na ring Pilipino ang lumahok dito at nagpahanga sa mga hurado. Muling pinabilib ng batang Pilipina at angat ng bandila ng Pilipinas matapos nitong makatanggap ng Golden Buzzer dahil sa talento nitong pagkanta ng awiting “Don’t Rain On My Parade” na kinanta ni Barbara Streisand.
Sa edad at itsura ni Eleana Gabunada, walang mag-aakala sa taglay nitong tinig. Pati sa istilo ng pagkanta ay maihalintulad sa isang propesyunal na Broadway singer, kung kaya’t napahanga niya ang mga hurado, lalo na si David Foster, na isang beterano sa larangan ng Broadway.
David Foster comment:
“There’s a lot of people much older than you that could sing that song but they don’t understand the genre, they don’t know what they’re supposed to be doing,” ani ni David kay Eleana. “But somehow at the age 10, you understand your mission and your job. And there’s no doubt in my mind that if you want to be in Broadway one day, you will be,” sabi pa ni Foster.