Nakalulungkot isipin na may mga anak na mas gusto pang magbulakbol kaysa mag-aral ng mabuti. Hindi nila iniisip ang mga paghihirap ng kanilang magulang para mapag aral sila at mapagtapos. Sa halip ay mas pinili pa nilang sumama sa mga barkada at mag “ cutting classes”
Isang grupo ng estudyante ang tumakas sa klase sa pamamagitan ng pagtalon mula sa bakod ng eskwelahan. Ang isang lalake na estudyante ay matagumpay na nakatalon mula sa bakod. Ngunit nung ang dalaga naman ang sumunod para tumalon hindi napansin nito na nakasabit ang kayang uniporme sa isang bakal sa pader kayat sa kanyang pagtalon ay na una ang ulo niya at tila naiipit ang leeg sa pag bagsak.
Ang kasamahan nitong lalaki ay walang nagawa para matulungan sya. Bagamat nag aalala ang kasamahan niyang lalaki wala naman siya magawa para makatulong. Ilang saglit lang ay tumayo din ang dalaga at hawak hawak nito ang kanyang ulo, siguro ay nakaramdam ito ng sakit at tila may sugat sa ulo dahil sa pagbagsak.
Sana magsilbi itong leksyon sa kanila para hindi na muling mag "cutting classes" dahil hindi biro ang ginagawang sakripisyo ng kanilang magulang para sila ay mapag aral.
0 Comments