Kuyang May Mabuting Kalooban, Hinatid ang mga taong na Stranded sa Ulan


Viral ngayon ang isang lalaki na tumulong na maghatid sa sakayan ng mga taong walang payong.

Ayon sa post ni Noel Guevarra na binahagi rin ng Hanep TV, biglang buhos ng ulan noong Mayo 23 at marami ang di nakapagdala ng payong. 

Isang lalaki ang bigla na lamang nag-alok na maghatid ng mga na-stranded na tao patungo sa sakayan dahil siya ay may dalang payong. 

"Ayan, di baleng ako ang mabasa.Wag lang kayo," sabi ng lalaki na magmagandang loob sa kababayan. 

Noong si Noel ay maihatid, agad din na umalis ang lalaki na di naghintay ng anumang kapalit.


Hidi naman ito tumigil hanggang hindi pa nakakasakay ang mga tao na walang dalang payong. 

Noong tumila na ang ulan at naabutan pa rin daw ni Noel ang lalaki. 

Bibigyan sana niya ito ng pang-merienda ngunit hindi naman daw ito tinggap ng lalaki. 

Kaya naman umani ng papuri ang lalaki sa kabutihang kanyang ginagawa. 

Ayon pa sa caption ng post ni Noel, sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari ngayon sa bansa, mayroon pa ding mabubuting puso na handang tumulong sa kapwa lalo na sa oras ng kanilang pangangailangan.