Isang nakakaantig sa puso ang nasa video na nag viral sa social media, dahil sa isang batang lalaki na makikitang kumakanta para makalikom ng pang operasyon para sa kapatid niya. Habang bitbit naman ng nanay ang nakakabata niyang kapatid na may sakit na kanser.
Kalimitan sa atin ay maraming nahihiyang kumanta sa isang pampublikong lugar dahil pinangungunahan tayo ng kabat ay hiya. Pero sa isang batang lalaki na nangangailang ng malaking halaga para sa kapatid niyang may kanser gagawin nito lahat para lang makalikom ng salapi.
Makikita sa video na hindi alintana ang kahiyaan para kumanta sa palengke upang madugtungan ang buhay ng mahal niyang kapatid.
Bitbit ang isang portable na speaker, nagpunta ang mag-anak sa palengke para humingi ng tulong. Makikita na ang isang bata ay kumakanta, at ang ina ay karga ang anak na may sakit. Ang ama naman ay may hawak na tarpaulin na nagbibigay impormasyon sa may sakit nilang bunso.
Ang pamilyang Manliguez ay nagbabakasakali na makalikom ng pera para sa operasyon. Hindi sila nawawalan ng pag-asa na meron may ginintuang puso na tutulong sa kanila para maoperahan ang bunso nilang anak.
Dito makikita natin na ang pagmamahal ng isang kapatid na kahit ano ay gagawin para pinakamamahal niyang kapatid na may sakit na kanser.
Source: https://www.facebook.com/jenny.d.mohamad/videos/2602426689773752/