Nagreklamo dahil sa Ipinost ang Maruming Panty nya!

Nagpunta ang isang babae kay Raffy Tulfo para ireklamo ang dating kasama sa bahay dahil sa pag post nito ng maruming panty niya.

Joan Roa 26 anyos lady guard, nirereklamo ang dating kasama sa bahay na si Emelita Caalim 34 anyos dahil sa pagpost nito sa maruming panty nya.

Hiniling ni Emelita na magharap harap sila para marinig ang panig niya at pinagbigyan naman ito ni Joan.

Ayon kay Emelita, ang pinagsimulan ng problema ay pera. Nagsimula ang lahat ng humingi ng pabor na makautang si Joan kay Emelita ng halagang 50k. Walang mapautang si Emelita at asawa nito na isa ding guard kaya sumubok silang lumapit sa kakilala nilang pwedeng mautangan ngunit hindi ito napautang dahil hindi ito nakapasa sa ginawang CI.

Ayon sa katrabaho ni Joan hindi raw ito nagkukusa na magbayad. Nabanggit din ni Emelita na inuutusan pa raw ni Joan ang kanyang anak para mangutang. At matapos na mangutang ay aalis na ito hindi na babayaran ang inutang.

Hanggang sa huli na mahabang diskusyon natanong ni idol Raffy Tulfo kung sakaling hihingi ng danyos si Joan magkano ito at agad namang sinabi ni Joan na 50k ang kanyang hihingin para sa danyos, ngunit ng si idol Raffy ay umubo, agad din nitong pinalitan ang kanyang sinabi at ginawa ng 150k para hindi siya mag sampa ng kaso kay Emelita. Hindi pumayag si Emilita sa sinabing danyos at sinabi na magharap harap na raw sila sa korte. Sa hinaba haba ng diskusyon pilit parin ni idol Raffy na pinag aayos ang dalawa. At hanggang sa huli nagkapatawaran sila at muling nagyakap.

Source: Youtube

Post a Comment

0 Comments