Isang bagong silang na sanggol ang maswerteng nasagip ng mga residente sa Brgy. Talina, Baybayon, Olango Island matapos nilang makita ito sa damuhan. Ito ay nakadapa at tila itnapon ito ng di pa nakikilalang ina.
Isang sanggol ang maswerteng nailigtas ng mga residente sa Brgy. Talina, Baybayon, Olango Island matapos nilang makita sa damuhan na tila tinapon ng di pa nakikilalang ina.
Ang sanggol ay masasabi na isang "blessing" mula sa Diyos. Karamihan satin ay marami ang humihiling sa panginoon na magkaroon ng anak ngunit hindi ito nabibigyan ng katuparan. Masakit isipin na may mga taong kayang itapon na lang ang anak at talikuran ang mga responsibilidad bilang magulang.
Maaring may dahilan ang magulang na nag iwan ng sanggol sa isang damuhan, ngunit kahit anong sabihin ay hindi tama na basta na lang itapon ito, dahil maraming lugar na pwedeng lapitan para sa mga sitwasyong kagaya nito.
Ayon sa mga residente may narinig silang iyak ng sanggol kaya hinanap nila kung saan ito nang gagaling. Kaya makikita sa isang video na kuha ni Eliezer Rosalejos sa Facebook ang bagong silang na sanggol na nakadapa sa damuhan.
Hindi malubos maisip kung ano ang sasapitin ng sanggol kung hindi ito nahanap ng mga residente ng Brgy. Talina, Baybayon, Olango Island. Kaya nagpapasalamat sila sa diyon at nailigtas ang sanggol at nanatiling buhay sa mundong ibabaw.
0 Comments