PBA Finals, ginulo ni Spiderman


Marami ang tumungo sa Smart Araneta Coliseum noong Mayo 10, 2019, upang panoorin ang magandang laban sa pagitang ng finalist na San Miguel at Magnolia. Hindi naman nabigo ang manonood dahil sa kinalabasan ng laro. At may dagdag pang eksena sa loob ng court ng biglang pumasok sa laban si Spiderman.
Ibinahagi ng Sports 5 sa facebook ang laro sa PBA Finals sa pagitan ng San Miguel at Magnolia, lamang ang kupunan ng Magnolia ng 6 na puntos sa kalagitnaan ng laban may hindi inaasahang bisita ang dumating. 
Spiderman
Isang “streaker”, o isang fan na tumatakbo sa court upang magpapansin at manggulo sa laro ng dalawang kupunan. Ang streaker na ito ay naka costume na “spiderman” , at may hawak na papel na may nakasulat na “Vote Love”.
Wala naman hangad na masama ang mga streakers, ito ay nagpapaudlot lang ng momentum ng isang laro. Ngunit sa nagyari na ginawa ni Spidey d naman inaasahan na mabangga ni Spiderman ang player ng San Miguel Center na si June Mar Fajardo at ikinatumba ng maglalaro.

Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments