True love never dies.” May mga taong makapagpapatunay nito at isa na dito ay ang magkasintahan na sina Ejay Alfaro at Angel Anne Nicolas.
Si Rhon Amarilla Morallos, kaibigan ng magkasintahan, ang isa sa mga taong makakapagpatunay sa pagmamahalan ng dalawa. Siya ang naging saksi sa pag-uumpisa ng pag-iibigan ng dalawa hanggang mapaghiwalay ang mga ito ng kamatayan. Si Ejay ay kamakailang namatay dahil sa sakit.
Isang video ni Rhon ang nag-viral na kung saan ay makikita kung paano ipinagdiwang ni Angel ang kanilang 9th monthsary mismo sa burol ng boyfriend na si Ejay. Naging madamdamin ang mga eksena na kung saan ay nagbigay ng mensahe ang dalaga para sa namayapang kasintahan. Sa una ay kapansin-pansin na nagpipigil ito maging emosyonal na syang hindi na nito natiis at tuluyang inilabas ang pighati na nararamdaman. Nilagyan din nito ng singsing ang kasintahang si Ejay at napasambit ng,
“I love you, Babe!”


Maliban pa diyan, pinuno ng dalaga ang burol ng boyfriend ng maraming lobo, at kanilang mga litrato. Ayon kay Rhon, tiyak na maiiyak din sa tuwa ang kaibigan na si Ejay kung makikita lang nito ang ginawang effort ng kanyang girlfriend. Puno ng panghihinayang ang matalik na kaibigan ni Ejay dahil hindi na aniya nito matutunghayan ang kasal sana ng dalawa. At hindi na din nila matutuloy ang mga balakin nilang pagtravel sana sa hinaharap.
Ang video ay umabot ng mahigit dalawang milyong views simula nang ma-upload ito kahapon. Makikita ang lubos na pagmamahal ng dalaga sa kanyang kasintahan kahit pa man nasa kabilang buhay na ito. Sa post naman ni Angel ay pangako nito ang walang hanggang pagmamahal para sa binata.


Maraming netizens naman ang naka-relate sa pinagdaraanan ng dalaga. Madami ang naiyak at nagpabatid ng pakikiramay rito at sa mga naiwang pamilya nito. Aniya ng iilan, balde balde ang kanilang iniluha nang mapanood ang video.
Si Ejay at Angel ay lubos nagmamahalan na kahit kamatayan ay hindi makahahadlang. Isa ito sa patunay na maaari pa din tayong umasa na totoo tunay na pag-ibig. Na ang bawat tao ay may nakalaang tao na binigay ng Panginoon.
0 Comments