Airport Staff pinapaluhod ng isang pasahero dahil sa Delayed na Flight!


Viral sa social media ang isang lalaki dahil pag eeskandalo nito sa isang airport sa China. Makikita sa video ang pamamataas ng lalaki habang pinpilit na paluhurin ang airport staff para humingi ng tawad sa kanya dahil sa delayed flight.

Ang nasabing eskandalo ay nagyari sa Zhengzhou Xinzheng International Airport sa Henan China. Ayon sa ulat, delayed ang flight dahil sa sama ng panahon.

Noong sinabi ng staff uminit ang ulo ng mga nag iintay na pasahero at naglapitan sa desk ng staff. Isa sa pinakamainit ang ulo ay ang lalaki na nakastripes.
Makikita sa video kung paano pinagduduro ng lalaki ang staff at sinasabing lumuhod ito i-representa ang kanilang kompanya para sa paghingi ng tawad. Makikita na kahit sumasagot ang staff, hindi nagpapapigil sa inis ang lalaking nakastripes at iginigiit na lumuhod ang staff sa harap nila.

Ang lalaki at ang mga kasama niya ay mga pasahero ng West Air na papuntang Shenzhen mula Zhengzhou.

Sa kabila ng pang-gigil ng lalaki,nagmatigas ang staff at hindi lumuhod sa harap nito dahil ginagawa lang naman niya nag kanyang trabaho.


Post a Comment

0 Comments