Pinaka mapaminsalang virus sa kasaysayan!






Ang ILOVEYOU virus ay itinuturing na isa sa mga pinaka-makapaminsalang computer virus sa kasaysayan. Ang lumikha ng computer virus na ito ay isang pinoy. Tama ka! Isang pinoy ang lumikha ng makapangyarihang ILOVEYOU virus, ang pangalan ng lumikha ng computer virus na ito ay sina Reonel Ramones at Onel de Guzman na dating mag-aaral sa AMA Computer College.

Noong nag aaral sa Kolehiyo ng AMA Computer college, Tipikal na mag aaral sila na may pangarap na makatapos, Sa kolehiyo may mga tinatawag tayong thesis kung saan magppropose ka ng paksa na siyang idididuscuss mo sa masasabing parang mga hurado at Sa report ito ibabase ang iyong grado, At doon sa kanyang thesis ay nag propose siya ng kung tawagin Trojan virus na may ibig sabihin nagpapanggap na isang legitimate software at kung sakali man na atakihin ka nito ay masisira o mananakaw ang iyong private data tulad ng logins na nakasave saiyong computer.  

Subalit hindi tinanggap ng guro ni Onel de Guzman ang kanyang propose thesis. at sa huling taon ng kanyang pag-aaral, si Onel ay nag dropout sa nasabing paaralan. Sa time frame na iyon di umano nabuo ang structure ng isang virus, ang worm virus na may pangalang ILOVEYOU virus. Itong virus na ito ay hindi lamang umatake sa Pilipinas, ito ay lubos na kumalat  sa buong mundo at ang date ng outbreak nito ay noong may 5, 2000.




Noong ndakip na sina Reonel Ramones at Onel de Guzman hindi sila napatawan ng kaukulang parusa, Sapagkat wala pang batas sa pilipinas tungkol sa malvare o computer virus na ito.







Post a Comment

0 Comments