Carlo Aquino, Nanawagan sa mga basher at humingi ng sorry


Nanawagan ang aktor na si Carlo Aquino sa mga basher upang sabihin na wag ng idamay sa pambabatikos ang kanyang nobya.

Si Carlo ay nakiusap upang huwag ng isali ng mga netizens sa kanilang galit ang kasintahan na si Trina Candaza.

"Walang ibang may kasalanan kung hindi ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo, sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina. ...Dahil ako ang nagdesisyon. Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo na lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa."
ito ay nasabi ni Carlo sa kanyang post sa Instagram Stories.

Hindi buo ang detalye ng aktor pero ang hinala ng mga fans ay nag ugat ito sa alitan nila ng dating ka-love team at ex girlfriend na si Angelica Panganiban.

Post a Comment

0 Comments