Depense ni Vhong Navarro sa kaibigang bagong look na si Jhon Llyod Cruz


Si Vhong Navarro at Bayani ay isa sa mga bagong cast ngayon ng Home Sweetie Home. Kaya napag usapan ang malapit nilang pagkakaibigan ng dating bida sa palabas na si Jhon Lloyd Cruz.

Aminado sila na namimiss nila si John Lloyd.

"Ako, natutuwa ako, kasi ang tagal ko na siyang hindi nakita. Alam mo si John Lloyd ang isa sa mga aktor na hinangaan ko sa pagkatao niya at saka sa kanyang pag-acting. At nakasama ko na rin siya sa abroad. Napakabait at napakagaling ng aktor ni John Lloyd. Ako ang isa sa mga nanghihinayang (at) dapat talaga bumalik siya sa showbiz dahil isa siyang kawalan kung wala ang John Lloyd sa industriya," ani Bayani.

Naikwento rin ni Bayani na kamakailan ay nagkita sila ni John Llyod sa isang event at sobrang syang natuwa sa pagkikita nila ng aktor.

"Niyakap ko nga siya at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-holding hands. Nag-usap kami. Sabi ko, 'I miss you.' Sabi niya, 'I miss you too,'" ani Bayani.

Sabi naman ni Vhong,

"Dapat respetuhin kung anuman ang gustong itsura ni Lloydie".

"Kaibigan ko si Lloydie, so siyempre, respetuhin natin kung ano 'yung gusto niyang itsura. Kasi kanya-kanya tayo. Like ako, ito ang gusto ko, magguguhit ng buhok. Eh 'yun ang gusto niya, magpahaba ng buhok, respetuhin po natin 'yun," ani Vhong.


Check this Post

Rookie cop died during the training

Post a Comment

0 Comments