Isang kamangha-kamangha na pag gunita ng Dubai sa araw ng kalayaan ng Pilipinas


Mga Filipino workers sa Dubai Arab Emirates ay lubos nagalak nang makita sa Burj Khalifa, (pinakamaataas na building sa buong mundo), ang isa sa simbolo ng pagiging malaya ng mga pilipino.

Pinakita sa 'magic innovation LED show' sa 160-storey building ang watawat ng Pilipinas na nagbigay aliw at pumukaw sa atensyon ng mga pilipino doon.

Ayon sa Facebook Post ni Virgie Romuar:

“First time in the history of UAE! Philippine flag in Burj Khalifa & Dubai Festival City! Yung naririnig mong nagsisigawan ang mga kababayan mo. Ramdam mo ang Pinas!”



Ayon din sa Facebook post ni Armand Dean Nocum:

"I am so happy and thankful to the management and staff—some of whom maybe Filipinos—of the Burj Khalifa in Dubai for honoring us by displaying the Philippine flag in neon lights during our Independence Day celebration."

Sa kakaunahang pagkakataon ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay ginunita sa Dubai.

Ayon sa isang Report ng Philippine Star:

"The show included dancing fountain show, laser light and sound technologies, and water-screen projections with video mapping projection."

Pinakita din ang mga imahe ng mga katutubong Pilipino at ilang sikat na personalidad na nagbigay karangalan sa Pilipinas.


Tulad nina 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang ating Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao na ginamit naman ang "Bahay Kubo" bilang background music.

Post a Comment

0 Comments