Isang malupet na 20 wheeler truck driver! Nakaiwas sa mga sumemplang na naka motor!


Isang video sa CCTV ang viral ngayon sa Social Media kung saan makikitang may sumemplang na motor habang nag oovertake sa isang malaking truck.

Sa pag bagsak ng driver at angkas nito makikita na pumaharap ang mga ito sa darating na truck. Panoorin kung paano nakaiwas ang driver na dala dalang ang 20 wheeler truck.

Ibininahgi ng Ride and Shoot sa kanilang Facebook page ang isang motor na mag oovertake sa kanan sa isang mahabang truck.

Kung mamapansin sa video may isang kurbadang daan kung saan nakalagay ang isang sign na bawal ang pag overtake.

Sinubukan na bumalik ng naka motor sa linya matapos niyang makapag overtake, tila nabitin siya at nag paliko liko ang manibela hanggang sa tumamba ito at bumagsak sa harap ng paparating na truck.

Kung iisipin sa makikitang video, mukang wala na talagang ibang mangyayari kung ang mabangga/masagasaan ang rider ng motor ang angkas nito.

Ngunit sa kabilang panig na nag dadrive ng truck, makakita ang mabilis na reaksyon ng truck diver at agad nitong nailiko ang kanyang dinadalang 20 wheeler na truck upang maiwasan na masagasaan ang rider at angkas nito.

Konting pagkakamali lang siguradong masasagasaan ang mga ito, dahil sa galing ng pag maniobra ng truck driver, walang nabuwis na buhay.




Check this out!
Pr@nk para kay Lola!

Post a Comment

0 Comments