Lalaki (24 anyos) nilayasan ang kasintahin na (48 anyos)! Alamin ang rason..

Nagpunta ang isang babae sa programang Raffy Tulfo In Action para humingi ng tulong na makausap ang 24 taong gulang na kasintahan nito. Ani nito naglayas ang kanyang kasintahan dahil sa napagalitan niyo ito ng dahil sa nabasag na pinggan.

Marlene (48 anyos) ay nagpunta kay Idol Raffy para makusap si Jumel Juanga (24 anyos, Kasintahan) at ama ng kanyang pinagbubuntis.

Ayon kay Marlene, lumayas ang kasintahan nito dahil sa napagsabihan niya ito noong nabasag nito ang kanilang plato. Ani ni idol Raffy tila mababawa ang rason na iyon para lumayas si Jumel kaya napagpasyahan ni idol Raffy na tawagan ang kapatid nito.

Noong nakausap ni idol Raffy ang nakakatandang kapatid ni Jumel na si Juvel, kinumpirma naman nito na kaya umalis si Jumel ay dahil sa nabasag nitong plato.

Kaya naman pinayuhan na lamang ni idol Raffy si Jumel na umuwi na lang at ayusin ang naging alitan ng nila ni Marlene. Dahil hindi magtatagal ay magiging ama na siya nag pinag dadalang tao ni Marlene.

Nakiusap na din si Marlene sa kinakasama na umuwi na at huwag magpadala sa mga sulsol ng mga kamag-anak na gusto silang paghiwalayin. Ipinaalala nito na magiging ama na siya kung kaya’t kailangan niya ng maging mature.


Post a Comment

0 Comments