Ma Ling, Pansamantala munang pinagbabawal ibenta dahil sa isang Virus!


FDA pansamantalang munang pinag-bawal ang pagbebenta ng de latang Ma Ling.

Pinaniniwalaan na apektado ito ng African Swine Fever Virus.

Nagbigay paalala ang FDA at humihingi ng kooperasyon sa publiko.

Kamakailan ay nagkaroon ng temporary ban sa pag-import at pagbebenta ng mga processed pork meat sa bansa.

Ipinagbawal muna ang pagbebenta ng mga processed pork meat products mula sa mga bansang Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, and Belgium.

Ayon kay Eric Domingo, Officer-in-charge ng FDA, ito ay upang masiguro na ligtas ang Pilipinas mula sa nasabing virus. “I signed that order.

It is a step taken to ensure the food security of our country and make that our livestock is not affected by the African swine fever.” ayon sa ulat ng Inquirer.

At kasali na nga rito ang Ma Ling ayon mismo kay Domingo.

“Yes Ma Ling is covered by the ban. The FDA regulatory board will go around and inspect. We also ask the public to report any sightings of these banned products to the FDA.”

 Ayon sa FDA ang swine fever ay isang “highly contagious” hemorrhagic disease na mula sa mga baboy,warthogs, European wild boar at American wild pigs.

Post a Comment

0 Comments