"Manong Gaano ba kasarap yang taho mo!" Batang napalabas dahil sa taho


Marami ang natuwa sa cute na larawan ng batang lalaki na bumibili ng taho.

Ayon sa post ni Michael, naliligo ang kanyang baby boy at napatakbo pa talaga ito pa labas para lamang makabili.

Umabot sa 76,000 reactions at 56,000 shares ang nasabing larawan.

Makikita ang cute niyang baby boy na bumibili ng taho na walang saplot.

Nakalagay sa caption ang nasabing post na "Gano ba kasarap yang taho mo pre?

Napalabas ng banyo anak ko eh" na mas lalong kinatuwa ng mga netizens.

Mapapansin kasing basa pa ang buong katawan ng bata na mukhang napatakbo nga pa labas galing sa paliligo para lamang makabili ng taho.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa cute na cute na larawan ng batang lalaki na mukhang natatakam nga talaga sa taho.



         
Marami ang mga natuwa at dahil sa cute na little boy.