Naaresto ang isang Babae sa LRT 1! dahil sa isang JOKE nito!



Isang babae ang dinala sa isang prisinto dahil sa isang joke sa LRT 1 noong Miyerkules, June 5.

Ayon sa pasay police, ang pangalan ng nasabing babae ay si Maribeth Florentino, 23, inaresto noong Miyerkules ng umaga (8:15 am) sa LRT Baclaran Station.

Sabi ng police, habang sinusuri nito ang bag ni Maribeth bigla itong nag sabi isang "bomb joke" sa guard duty na si Erlinda Unabia ng Kaizen Security Agency na naging dahilan para maaresto ito.

Si Florentino ay naaresto dahil sa pag labag sa Presidential Decree No. 1727 na ibig sabihin ay "malicious dissemination or false information".

Kung mapapatunayan na siya ay nagkasala, si Florentino ay haharap sa hanggang 5 taon na pagkakakulong at mag mumulta ang aabot hanggang P40,000.

Post a Comment

0 Comments