Nagawa mo rin ba ang mga ito nung panahon ng 90's


Bilang batang 90's. Isa sa masarap gawin ay alalahanin ang mga panahong nagbigay kaligayahan sa atin. 

Mga panahong papasok ka sa umaga tapos manonood ka ng cartoons sa hapon. 

Lalabas sa gabi para makipaglaro ng tagu-taguan o makipag patintero sa ilalim ng poste ng ilaw. 

Mga panahong uuwi ka ng amusin sa bahay nyo, tapos mapapalo ka ng nanay mo. 

Noong panahon ng 90's mararanasan mo ang makipag usap ng personal sa mga kaibigan mo.

Yung mga assignment mo sa school na sama sama kayo ng mga kaibigan mong magugupit sa mga lumang libro para maghanap ng larawan. 

Mga panahon na gusto mo lagi na nasa labas at makipaglaro. 

Yung panahon na kahit wala kang pera ay okay lang kase hindi mo kailangan pag kasama mo na mga kaibigan mo. 

Yung kahit pagkanta lang sa harap ng electric fan ay masaya kana.

Yung bibitin ka lang sa barax ay masaya kana kasama mga kaibigan mo.

Yung papagulungin mo lang yung gulong tapos hahabulin mo.

Mga panahon na gagawa lang kayo ng tree house.

Mga panahon na mag papalipad lang kayo ng mga kaibigan mo ng saranggola.

Yung mag laro ng mga  "TEXT, JOLEN, TAYA-TAYAAN, AGAWAN BASE, TUMBANG PRESO, TAGUTAGUAN, PATINTERO, LUKSONG BAKA, LUKSONG TINIK" kasama ang mga kaibigan mo.

Ilan lamang ito sa mga naging masayang alaala noong 90's

Masaya ang mga panahong nakalipas, masasabi natin na ito ang pinakasa masayang henerasyon ng ating pagkatao na dapat balikan.


Check this out!
Malupet na 20 wheeler truck driver 


Post a Comment

0 Comments